Monday, November 22, 2010

Liham ni Sen.Kiko Pangilinan para sa 58



Kiko Pangilinan 23 November at 00:25 Report

Hi Liryc,

Please see my message below. Salamat.


Para sa mga biktima ng Maguindanao massacre at mga naulila ng mga ito:

Kasama ninyo ako at ang buong bayan sa pagluluksa at paggunita ng napakadilim na yugto na ito sa ating kasaysayan. Isang taon ang nakalipas at tila tumigil ang pag-ikot ng mundo, gaya ng pagtigil nito nang maganap ang 'di mapapatawad na krimeng nagbuwis ng 58 inosenteng buhay. Gagawin namin ang aming buong makakaya upang hindi makalimutan kailanman na, minsan, kayang maging halimaw ang taong hayok sa kapangyarihan at isipin na kaya nitong kumitil ng buhay na walang takot.

Bubuhayin natin ang ala-alang ito upang magsilbing babala na hindi na natin muling hahayaang magkaroon ng ganitong klaseng halimaw sa ating bayan. Gagawin rin natin ang buong makakaya upang ating makamit ang tunay na hustisya at muling buhayin ang pag-asa na sa ating bayan, bawat Pilipino ay pantay at patas sa mata ng batas.

(Maraming salamat Sen.Kiko Pangilinan at naglaan ka ng oras para magbigay ng personal na mensahe sa aking ginawang page na "Liham sa 58" http://www.facebook.com/pages/Liham-sa-58/131213720231306?ref=nf. Lubos ko pong ikinagagalak na patuloy kayong gumagawa ng aksyon para sa ikalulutas ng kaso, MARAMING SALAMAT PO!!! -L.D.C)

No comments:

Post a Comment