Friday, November 19, 2010

LIHAM SA 58



Mag-iisang taon na ang walang karumaldumal na pamamaslang sa 58 inosenteng tao sa MAGUINDANAO noong Nobyembre 23, 2009, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin pormal na nahahatulan ang ilan sa mga kinilalang mga akusado dahil na rin sa ilang mga naging aberya sa proseso para malutas ito Ang pahinang ito ay alay hindi lamang 58 biktima ng Maguindanao Massacre. Ang Pahinang ito ay para rin sa mga kasamahan natin sa media ng walang-awang pinaslang ng ilan sa mga hindi pa nakikilalang mga Vigilante. Ipahayag ang iyong saloobin, reaksyon, at opinyon patungkol sa UNANG TAON NG MAGUINDANAO MASSACRE... Sa kanilang mga naiwang kapamilya, naway mag hilom na ang sugat sa kanilang puso at mas maging malakas at matatag sila para sa mga susunod na laban. Sa GOBYERNO at kay PNOY, naway maging patas at mabilis ang pagbigay nila ng agarang aksyon para malutas at mabigyang parusa ang mga suspect at ng mabigyan ng katarungan at hustisya ang 58 buhay na walang-awang pinaslang. Sa mga SUSPECT.. NAWAY KAININ SILA NG LUPA (este) ng KANILANG KONSENSYA AT AMININ NA SILA'Y mga HAYOP (este) TUNAY NA ULO sa pagpatay sa 58 nasawi at ilan pa sa MAGUINDANAO MASSACRE. PILIPINAS MAGSALITA KA. -L.D.C

No comments:

Post a Comment